Pages

Thursday, October 6, 2005

Pwedeng mag-share?

        Nangyari ito noong 4th year college ako.  Isa ako sa mga lead organizers ng isang annual concert show na binalak naming i-revive sa school namin.  Ang concert na ito ay dating isang annual event ng kolehiyo na natigil lamang nang nag-propose ng "posterity measures" ang paaralan namin at ipinatigil ng ilang taon ang mga concerts at iba bang mga kahalintulad na aktibidades.


        Suportado ng lahat ang plano namin, maging ang college dean.  Mayroon pang isang orphanage na magiging beneficiary sa magiging proceeds ng concert na ito, kaya napakaganda talaga ng konsepto.


        Nagpa-audition kami, nag-assemble ng technical at support team, nag-brainstorm, at nagpraktis halos gabi-gabi.  Lahat ay sumasali sa mga praktis, nais patunayan ang galing ng aming kolehiyo sa iba't ibang larangan ng musika at sining.


        Bawat praktis ay itinuturing namin na parang actual concert na talaga.  Ibinigay ng lahat ang kanilang makakaya.  May mga nag-skip pa ng mga klase at ipinagpaliban muna ang paggawa ng assignments, reports at kung anu-ano pang mga gawaing paaralan para lang mapag-igihan ang kanilang performance.  Lahat ay napupuyat sa halos gabi-gabing pag-praktis.  Ako mismo ay napuyat, nangayayat, at bumaba pa ang mga grado ko (nawala ako sa dean's list noong semester na iyon).  Pero ok lang.  Lahat ay ginawa namin para lang sa isang matagumpay na concert ng aming kolehiyo.


        Nang malapit ng ang petsa ng concert namin, dumating ang isang pangyayaring hindi namin inaasahan.  Gagamitin daw ng PBA ang gym para magpraktis sa umaga at para maglaro sa gabi.  Malaking event daw ito, Purefoods vs. Shell, sa Baguio maglalaro.  Ano???  Ang concert namin ay sa Sabado ng gabi.  Ang praktis at laro ng PBA ay sa Linggo pa naman.  Paanong hindi namin pwedeng gamitin ang gym?


        Wala kaming nagawa.  Malapit na ang petsa ng concert at ipinagpasya naming maghanap na lang ng ibang lugar, kahit mangupahan na lang kami basta matuloy lang ang concert.  Nakapag-distribute na kami ng mga tickets at nakapag-promote na sa radyo kaya "the show must go on" 'ika nga. 


        Pero mukhang sasablay ata ang bagong plano namin... Lalampas kami sa budget dahil kailangang umupa ng lugar at mag-arkila pa ng sound system imbes na makalibre na sana sa gym ng school namin.


        Nangyari ang kinatatakutan ko... Hindi natuloy ang concert.


        Tsk tsk, nasayang ang tatlong buwang preparasyon at paghihirap.  May "bonding" na kami sa isa't-isa dulot ng halos gabi-gabing pagpraktis namin.  Lahat ay malungkot.  Malapit na ang finals namin, matatapos na ang semester at mahihirapan nang i-assemble uli ang grupo pagkatapos ng summer vacation.


        Biglang bumagsak ang aking mundo. 


        Ano na ang gagawin ko?  Ano na ang sasabihin ng mga tao at ng mga kasamahan ko?  At ano na lang ang magiging explanasyon ko sa kanila sa hindi na pagpapatuloy ng concert namin?  Paano na lang ang paghihirap at sakripisyo na ginawa namin?  Ano na?  Paano na?  Bakit ganun?  Bakit ganyan?  Kailan na?  Saan?


        Tulala ako. 


        Sa araw ng concert sana namin nagpalabas kami ng announcement ng hindi na ito matutuloy.  Maraming dismayado.  Ako naman ay naglakad-lakad na lang sa Session Road.  Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.


        Sa kakalakad ko ay napadpad ako sa may simbahan.  Pumasok ako at nakimisa pero tulala pa rin ako at wala man lang akong naintindihan sa mga pinagsasabi nila sa loob...  Hanggang sa kinanta nila ang kantang "Lift Up Your Hands".


        Nakinig ako.



"...and He said cast your burdens upon me those who are heavily laden."



        Ako ay biglang natauhan sa aking pagkatulala.



"...come to me all of you who are tired of carrying heavy loads"



        At napatingin sa sahig.



"...for the yoke I will give you is easy and my burden is light"



        Napaluha.



"...come to me, and I will give you rest"



        Hanggang sa tuluyang naiyak.



"...just face the rising sun,
and you'll see hope,
and there's no need to run."



        Huminga ako ng malalim.



"...lift up your hands to God,
And He'll make you feel alright."



        At ako ay napatingala sa Kanya at nagsabi ng "Salamat Panginoon. Ako'y nagtitiwala sa iyo. Taos-puso kong tinatanggap ang pagsubok mo na ito para sa akin."


        Natapos ang kanta.


        Gumaan ang aking pakiramdam.


        Lumiwanag ang aking buhay.


        At lumabas ako sa simbahan na masaya :-)


-------------------------------------
Lift Up Your Hands
Words and Music by Cecile Azacon
Sung by Basil Valdez
Arranged by Ryan Cayabyab

Complete lyrics here.


Tuwing naririnig ko ang kantang ito, naaalala ko ang pangyayaring ito sa aking buhay at muli akong naliliwanagan...  Walang mabigat na problema kapag ako'y magtitiwala sa Kanya.

No comments:

Post a Comment